Sagot ng inang isang OFW....
My God sagad hanggang buto bawat kataga ng batang to ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜
Anu kya ang sasagot ng isang inang tulad ko ng iwan ko ang anak ko
Sa murang edad na dalawang taon
Habang akoy nag alaga ng ibang bata para bang tila nag ampon
Sa gitnang silangan hinarap ang hamon
Ngunit hindi sapat ang lakas at tapang na baon
Dahil sa twing maiisip ng inang OFW ang anak nila tila kala ng ibay itinapon
Ngunit ang di nila alam sa puso ng inang OFW katumbas ng pagwalay sa anak sobrang lungkot at pagtitiis kami ay nilalamon
Oo kapalit nitoy kwarta na sa sarili kong bansa ay di ko kinikita
Maibigay ang luho materyal na bagay at pribadong eskwela
Ngunit di matutumbasan ang mga taong kami ay wala
Sa tabi ng aming anak na halos mangiyak ngiyak na sa sambit nilang mama
Bawat kontrata namin ilang taon na ang lumilipas
Gustuhin man naming umuwe at pumiglas
Ngunit sa isang inang OFW daig pa namin ang nilamig at nanigas
Sapagkat bawat oras araw buwan taon na lumilipas
Ang tanging hangad lang namin sa aming anak ay wag kumaripas
Bagkus, kami ay intindihin na balang araw kami man ay matagal na lumisan
Kami ay babalik bitbit ang pangako na MAGANDANG KINABUKASAN 😊
Mahal na mahal ka ni mommy Ziljhian ❤️❤️😘
Credit to video owner
No comments:
Post a Comment