Iba’t ibang pauso kala mo never ending
Ang dame dame mong inuutos
Isang beses lang pumaltos
Lahat ng nagawa mong tama
Nawala na lang parang bula.
Usong uso naman ngayon
Damay damay na buong nayon.
Return the favor!
Walang halong ibang flavor
Hindi ito pagkain na babawiin sayo
Kundi yung mismong pagkatao mo
Dignidad mo ang nakasalalay dito
Hindi basta basta ang pagsasauli nito.
Yung akala mong panandalian lamang
Ginagawa ka na palang isang mangmang.
Isang pakiusapan sa akala mo ay kaibigan
Yun pala ay may kapalit hindi man sapilitan
Ngunit huwag kang pakasisiguro
Sapagkat naiiba pala ang mga plano
Yung akala mong malapit sayo
Siya pala ang iyong magiging kalbaryo.
Bakit ba kasi ito nauso uso
Lalung lalo na sa trabaho
Mga kataas taasang nilalang
Tingin sa sarili ay halos nakalutang
Kapag humingi ng pabor
Parang mga tirador
Hindi mo pwedeng hindian
Kundi ay di ka na ngingitian.
Katwiran ng iba ay malumanay na pakikisama
Ngunit ang isang beses ay sapat na
Humirit pa ng ikalawa
Kapal din naman ng mga mukha
Yung tipong ikaw pa ang palalabasing masama.
Hay buhay nga naman,
Wala ka ng mapagkatiwalaan
Sapagkat halos lahat ay naging gahaman
Sa pwesto man o kapangyarihan
Hindi mo naman yan madadala sa libingan
Kaya tama na yan!
Sobra na ang iyong agenda
Itigil mo na ang mga pausong walang kwenta
Hindi ito utang na kala mo limpak limpak na pera
Return the favor what for?
By: Maerz