Powered By Blogger

Monday, November 18, 2019

“Adulting is Real”

Adulting is real!
Yan ang mga katagang madalas nating sambitin
Marahil ay talaga namang feel na feel
Para sa mga kaedad kong life is for real.
Pero teka muna ito ba ay positibo
O maaari din naman kasing negatibo
Depende na lang ito sa pagkakaintindi ng tao
Kung paano niya nabanggit?
Masaya ba o baka puno ng pasakit,
O di kaya naman punung puno na ng inggit,
Kaya kanilang mga buhay ay sala salabit.
Siguro nga adulting is real na lang ang expression,
Ng mga taong nahihirapan ng umahon
Problema dito problema doon,
Minsan naiisip na lang na mabuti pa noon.
Pero pwede din naman na adulting is real,
Para sa taong positibo at puno ng kasiyahan,
Sapagkat sa buhay patuloy lamang ang laban
Kahit pa ikaw ay sobra ng nahihirapan.
Matagpuan mo man ang iyong kasintahan,
Dalhin ka man niya sa altar ng malaking simbahan
Adulting is real, ito ay hindi mo na malalagpasan
Mga hamon ng buhay ay sabay nyo ng lalagpasan.
Ang hirap naman talaga ng may bayarin
Lalu na siguro yung may mga singilin
Kahit isang dosena pa ang maging habilin
Kung wala ka namang pera ano pa ang iyong gagawin?
Well adulting is real talaga mapapersonal, physical, mental, emotional o social din
Hindi mo na ito maiiwasan at mas lalong hindi mo din naman ito pwedeng takasan
Isipin mo na ang pangkasalukuyan,
Ang para bukas iyo na ring pagplanuhan.
Sapagkat Adulting is real talaga kaibigan...







OFW Po Ako Hindi ATM

ABROAD isang salitang ang sarap pakinggan Feeling entitled kala mo naman sobrang mayaman Pinaganda pa ng katagang OFW Sarap sa tenga prang k...