Powered By Blogger

Wednesday, April 22, 2020

“STIGMA”


Akala mo ang paghihirap ay tapos na
Akala mo ang sakit ay wala na
Akala mo tapos ka ng mataranta
Yun ang problema puro maling akala.

Akala mo pagkatapos ng paghihirap masaya ka na
Akala mo magiging natural at babalik sa normal
Akala mo mas magiging maluwag ang paghinga
Yun pala mas naging masikip parang may nakabara.

Akala mo na ang paggaling ay sapat na
Akala mo sa iyong pagbalik ay malaya ka na
Akala mo tapos na ang mga panghuhusga
Ngunit di mo lang alam mas iiwasan ka pala.

Ang hirap kumilos para kang pinandidirihan
Kahit gumaling ka na sa malubhang karamdaman.
Ang mga tao sadyang likas na yata ang mapanghusga
Di mo naman masisi sadyang nakakatakot naman talaga.

Ilang araw kang naghirap ng walang kasama
Pilit nilabanan ang lumbay at hirap ng mag isa
Yung akala mo kapag nakaligtas ay panalo ka na
Ngunit may mas matindi pa palang nagaabang na STIGMA!

By: Maerz

No comments:

Post a Comment

OFW Po Ako Hindi ATM

ABROAD isang salitang ang sarap pakinggan Feeling entitled kala mo naman sobrang mayaman Pinaganda pa ng katagang OFW Sarap sa tenga prang k...