ABROAD isang salitang ang sarap pakinggan
Feeling entitled kala mo naman sobrang mayaman
Pinaganda pa ng katagang OFW
Sarap sa tenga prang kantang because of You!
Oo tama ka kami po ay isa ding gaya mo na empleyado
Ang kaibahan lang ikaw ay sa Pinas ako ay sa malayo.
Nakakasama at inuuwean mo ang iyong pamilya
Habang ako ay pagtapos magtrabaho nahohomesick at nagiisa.
Thank you sa internet, twitter, whatsapp at facebook
Hindi ko na kailangang sumulat ng telegrama at magmukmok
Mga Mahal ko sa buhay Abot kamay ko na sa chat at videocall
Pati perang padala isang pindot lang parang send to all.
Exciting part sa amin ang isang buwang bakasyon
Sa kontrata nameng umabot ng halos dalawang taon
Swerte ka ng mapauweng libre ang pamasahe at may baon
Ngunit kadalasan sa utang kami ay nababaon.
Paguwe ng Pinas kami ay sobrang masaya,
Ngunit kadalasan ito rin ang nagdadala sa amin ng kakaibang kaba
Sapagkat Madinig at makita lang na galing kang ABROAD
Akala yata nila may bitbit kaming isang timbang GOLD.
Ang isang buwan na bakasyon katumbas samin ay isang taong pahinga
Sapagkat doon sa sa abroad kami ay halos hindi na makapagpahinga
Sa kagustuhang makapundar at makapagipon ng malaking pera
Upang pamilyang naiwan sa Pilipinas ay amin lamang mapasaya.
Pero parang awa nyo na, kung kayo man ay may OFW na kakilala
Huwag nyo silang itrato na kala mo ay makina ng pera
Puyat, pagod, dugo at pawis ang puhunan ng paghihirap nila
Para magbanat ng buto at magtiis sa pagod at pangungulila.
Yung kaibigan ko bulalas “Ikaw ang abroad” kaya manlibre ka,
Ang isa naman “Ay abroad ka naman mayaman ka na”
Nakauwe ka na pala baka naman pede makahiram ng pera
Kamusta ka, kelan ka pa dito asan Pasalubong ko.
Ganito na lang ba kung kami ay itrato?
Oo galing ABROAD kami pero hindi kami tumae ng pera
Bawat salapi na aming kinita, katumbas ay hirap at pagdurusa
Kaya intindihin mo sana na bawat sentimo samin ay mahalaga.
Hindi kami madamot kung sobra sobra!
Hindi kami mayabang, mapagmataas o sakim sa kwarta!
Kami ay abroad na nagsumikap para maabot ang pangarap
May pamilya, gastusin, nagkakasakit at may ilang problema.
Kaya kung ako sa inyo na nasa Pilipinas
Bigyang halaga ang bawat bagahe at padala
Ang inyong pag unawa ang nagsisilbi naming sandata
Dahil mas mahal umuwe ng kami nakakabong na.
By: Maerz