Powered By Blogger

Sunday, May 15, 2022

“Selfishness”



Makasarili! Ugaling hindi talaga kawili-wili.
Mga taong iniisip lamang kanilang mga sarili.
Kala mo taga palasyo kung umasta daig pa ay hari,
Taong walang kwenta ang sarap itulak sa pusali!

Selfishness will not give you peace,
Masyado kang selfish ang lansa nangangamoy fish! 
Forget the past and please do not try to reminisce,
Kasi yung pride mo sobrang taas na never naging at ease!

Yung sinasambit nyong bulok na sistema
Gusto ninyo ng pagbabago, bakit kayo nagpapakadena?
Matapos ninyong maghari harian diyan sa kalsada
Tapos kapag nadisgrasya isisigaw nyo ang salitang demokrasya!

Magbago na kayo, sobra-sobra na ang mga panloloko
Sa mga taong ang nais lamang ay maayus na pagbabago,
Na hindi maarok dahil nakatali sa inyong mga pangako
Tapos wala namang nangyayare ilang dekada na ding napapako..

Change is inevitable and growth is optional,
Walang mararating kung sa nakaraan tayo ay nakasandal
Selfishness atin ng itabi, tigilan na din ang puro daldal,
Tapos na! may nanalo na, majority ang nagluklok at sya ang naihalal…
✌️👊🏻🇵🇭


By: MAERZ



No comments:

Post a Comment

OFW Po Ako Hindi ATM

ABROAD isang salitang ang sarap pakinggan Feeling entitled kala mo naman sobrang mayaman Pinaganda pa ng katagang OFW Sarap sa tenga prang k...