Abroad.
Katagang ang sarap pakinggan,
Sa mga taong tila mga baguhan.
Ang hirap ay hindi mo malalaman
Lalu na kung hindi mo pa nasusubukan.
Abroad.
Madinig pa lang ng iba
Parang sikat na sikat ka na.
Ang buong akala nila
Namamasasa ka na sa pera.
Abroad.
Yung tipong may sahod kang malaki,
Pero yung resibo ang mas marami kang naitabi.
Kahit pa panay ang compute mo gabi gabi,
Importante remittance sa Pinas ay hindi mahuhuli.
Abroad.
Baka ito ang sagot sa problema mo
Lalu na kung sa Pinas wala kang trabaho.
Makikipagsapalaran ka sa malayo,
At iiwan ang pamilya bilang sakripisyo..
Abroad.
Ang sarap sarap sa umpisa,
Sa eroplano ay una kang nakasampa.
Akala mo ang dali kitain ng pera,
Ngunit habang tumatagal halos sumuko ka na.
Abroad.
Pinagmamalaki ka ng iyong pamilya,
Pag uwe mo tinitingala ka ng buong madla,
Kahit hindi mo kamag anak ikaw ay kilala
Lalu na kung may pasalubong kang dala-dala.
Abroad.
Lungkot at lumbay ang kapalit,
Kitain mo lamang ang pera ng hapit.
Piniling iwan ang iyong munting paslit,
Nang marangyang pamumuhay ay kanyang makamit.
Abroad.
Ilang masayang okasyon na ang nagdaan,
Halos lahat ng yun ay iyo ng nalagpasan.
Kahit gustung gusto mo itong uwean,
Masakit man isipin ngunit pahirapan.
Abroad.
Buwanang pera sa Pinas ang padala,
Ngunit madalas kinukulang pa sila.
Walang sumasapat kahit sobra sobra na,
Bawal kang dumaing, dahil nasa abroad ka!
Abroad.
Panay ang post mo sa social media,
Maibsan lang ang lungkot at pangungulila.
Maipakita lang sa pamilya na masaya at okay ka
Pero sa kabila ng mga litrato ay hirap at pagtitiis pala.
Abroad.
Mabuti na lamang nauso ang internet,
Iphone, ipad at kung anu anu pang hightech na gadget.
Isang click mo lang parang katabi mo na sila
Ngunit pambili nito ay di rin naman basta basta.
Abroad.
Lahat ng branded ay alam mo na,
Kung saan may sale ay naroroon ka.
Ngunit kapag namimili nasa isip ay size ng iba,
Sa kagustuhan mong bagahe ay mapuno at maipadala.
Abroad.
Bayani tayo kung ituring nila,
Sa bawat perang padala umuunlad ang ating ekonomiya.
Ngunit minsan hirap natin ay nababalewala
Ninanakaw pa pinaghirapan nating padala o di naman kaya ay tataniman ka pa ng bala.
Abroad.
Ginugul mo na halos ang iyong buong buhay,
Ngunit hindi pa din sapat para maibsan ang lumbay.
Pati ipon mong pera ay parang walang saysay.
Naglalaho na lang at nawawalan ng kulay.
Abroad.
Culture shock yan ang una nating kalaban,
Homesickness isa pa ito sa hindi natin maiiwasan.
Idagdag mo pa ang diskriminasyon kung saan saan.
Tapos pati kapwa mo Pinoy minsan naglalaglagan.
Abroad.
Ramdam mo din naman talaga ang saya
Kapag nabibigay mo ang pangangailangan nila.
Kaunting luho ng anak at magandang buhay ng pamilya
Hindi bale hirap ka, basta makita mo lang silang masaya.
Abroad.
Ito ay hindi biro lalu na sa isang ina,
Ang iwan ang kanyang anak habang bata pa.
Tapos pagbalik ay parang estranghero ka,
Bubuhatin mo pero nagaalangan siyang sumama.
Abroad
Para sa magasawa ay isang pangako
Hinaharap at kinabukasan ay nakaplano,
Ngunit may iba na ang pangako ay napapako
At nabaling sa iba ang atensyon ng kanilang puso.
Kaya kung pagaabroad ang nais mo,
Siguraduhing ito ay ayon sa iyong kagustuhan at plano.
Lageng sa pamilya ang isipan mo ay ipako
Tagumpay at kaunlaran ay iyong matatamo.
By: Maers
No comments:
Post a Comment