Hindi kumpleto ang isang pamilya
Kung mawawala ang iyong ama.
Hindi man natin lage kasa-kasama,
Sapagkat siya ay lageng abalang abala.
Jack of all trades kung siya’y tawagin,
Magkumpuni, magdrawing at kung anu anu pang gawain.
Lahat yan ay di niya palalagpasin,
Sapagkat ito’y extra para pamilya nya ay kanyang buhayin.
Sa PGH kung saan ang kanyang hanapbuhay
Mula pagiging janitor naging tagatulak din ng patay.
Simula disinwebe anyos kahit kita pa ay utay utay.
Pilit siyang nagsumikap upang kami ay mabuhay.
Hindi man malaki ang kanyang kinikita,
Ngunit pangangailangan namin ay naibibigay niya.
Sa pagkain naman kami ay sagana,
Kaunting luho naman ay aming nakukuha.
Sa pagiging konsintidor siya ay numero uno,
Konting simangot at iyak lang ay bibigay na ito.
Kaya itong si mama kukunot na lamang ang noo,
Sapagkat walang magawa kundi ibigay na lang aming gusto.
Tubong Pampanga ang aking ama,
Lake sa hirap, lumaki sa pagsasaka.
Sa murang edad lumuwas ng Maynila,
Sapalaran sa buhay ay doon na nagsimula.
Ipinagmamalaki namen siya simula pagkabata,
Kahit aming proyekto sa eskwela siya ang nagawa.
Mapalettering, drawing at kung anu ano pa
Hindi pahuhuli talaga namang kay teacher aming binibida.
Si papa ay tahimik lang ngunit iba din naman magalit,
Sa kanya ko ata namana ang pag imik di mapilit.
Pero sagad sa pagtulong ng walang kapalit,
Minsan sobra na at kami na mismo ang nagagalit.
Kahit saan ka magpunta lalu na sa trabaho niya,
Banggitin mo lang si Kuya Motek ay alam na.
Sa kabaitan, sipag at tiyaga siya ay kilalang kilala.
Kaya kami bilang anak ay lubos na humahangang talaga.
Dahil kay papa ako’y nagtapos ng kolehiyo,
Kabaitan niya ay nasuklian ng isang pangako
Isang nagmalasakit na kaibigan ang sumuporta at nangako
Pagtulong sa aking pagaaral ay hindi minsan man napako.
Hanggang ngayon kahit sa kanyang unang apo,
Na kung tawagin siya ay papa lolo.
Sa pangungunsinti talaga namang numero uno.
Kung ano siya sa amin ay talagang makikita mo.
Salamat papa sa iyong mga sakripisyo,
Ilang taon na lang malapit ka ng magretiro.
Nawa’y matupad mo din ang iyong gusto,
At kaming mga anak mo naman ang aalalay para sayo.
By: Maerz
No comments:
Post a Comment