Powered By Blogger

Friday, August 30, 2019

“Mama”


Kung tawagin natin sila’y ilaw ng tahanan
Corny man sa pandinig ngunit sila ang ating inaasahan
Sisiguraduhin nyang maibigay ang iyong kailangan
Kahit anung hirap ay wala silang kapaguran.

Lahat na yata ng bagay ay alam niya,
Tinatawag ding manager ng buong pamilya.
Alam nyang lahat ng iyong problema
Mapa pera man yan o problemang eskwela.

Lumaki ako sa inang super strikto,
Lumabas kang saglit agad tawag doon tawag dito
Bata pa lang natuto na akong maghugas ng plato.
Isang pagkakamali lang, kurot ang aking natatamo.

Ngunit siya na yata ang pinakamasarap magluto.
Bistik alemania, adobo kahit pa embutido.
Buong pamilya talaga namang lageng ganado,
Kapag pagkaing luto ni mama ang nakahain sa plato.

Bawal ang day off, walang overtime ang kanilang trabaho,
Ngunit sa araw araw di naman nagrereklamo
Masaya na silang maibigay lahat ng naisin mo
Basta mapagtapos ka lamang sa kolehiyo.

Pagkain na sana kanila na lamang isusubo
Para sa iyo Iisipin pa din nilang ito ay itago
Kahit na anumang laki ang kasalanan mo
Para sa kanila ika’y may pag asa pa ding magbago.

Kaya ikaw anak mahalin mo ako
Dahil kawawa ka kapag nagkasakit ako
Sino na ang sayo’y magaasikaso?
Masakit sa akin baka ikaw ay mapano.

Pahalagahan mong lahat ang aking sakripisyo,
Huwag mong sayangin dahil yan ay dugo at pawis ko.
Masaya na akong makita ang pag angat mo
Dahil ng isilang ka sa mundo, yan din ang pangarap ko.

Patawad mama kung naging palasagot ako
Hindi ko po sinasadya nadala lang ng galit ko.
Naranasan ko na ngayon ang maging ina ay di biro
Naintindihan ko na ang noo’y pangaral mo.

Hindi ko alam kung paano mo kinaya
Yung tuition ko pa lamang noon sa eskwela
Halos wala na tayong makain sa mesa
Ngunit hindi ka pa din nawalan ng pag asa.

Nagagalit ka man samin naiintindihan ko
Dahil ang gusto mo lang ay maging mabuti kaming tao.
Sinusunod ko naman lahat ng payo mo
Akala mo lang matigas ang ulo ko.

Ngayon kami ay malalaki na,
Ang tanging hangad lang namin ay mapabuti ka.
Ngunit pasensya na minsan aking mahal na ina
Pinipilit ko na naman sa abot ng aking makakaya.

Unti unti kong susuklian ang pagaaruga,
Lahat ng pasakit at iyong pagtitiyaga.
Salamat sa walang sawang pagaalaga
At sa iyong walang humpay na pang unawa.

Ngayon ako ay may asawa na
At tulad mo na ring isang ina
Hindi talaga biro, ang hirap pala talaga
Pero salamat dahil IKAW ang aking naging MAMA.

By: Maerz












No comments:

Post a Comment

OFW Po Ako Hindi ATM

ABROAD isang salitang ang sarap pakinggan Feeling entitled kala mo naman sobrang mayaman Pinaganda pa ng katagang OFW Sarap sa tenga prang k...