Powered By Blogger

Saturday, August 24, 2019

“CRAB MENTALITY” inside the Bucket



Ang alimango ilagay mo sa timba
Pilit maguunahan aakyat pataas,
Ngunit kapwa nya hahatakin pababa
Sa kagustuhang sya’y unang makalabas.

Ang ibang tao minsan ay parang ganito
Kinaiinisan nila ang pag angat mo
Ayaw nila na pagasenso mo ay mauna,
Kaya pag unlad mo pipigilan niya

Katwiran nila kung wala ako, dapat wala ka din
Sa Walang kadahilanan pilit kang aawayin
Wari mo buntis na parang naglilihi
Masyado silang prone to sensitivity.

UTAK TALANGKA! yan ang tawag sa kanila
Kapag umasenso ka hindi sila masaya.
Selos ang sa kanila ay nangingibabaw
Sa paninira ng kapwa ay naguumapaw.

Kung pakiramdam mo ay ganito ka
Aba ngayon pa lang pigilan mo na.
Magpakatotoo ka lang at maging positibo
Tanggapin mo lang hanggang saan ang kaya mo.

Libre naman ang tayo’y mangarap
Sa paraan lang na kaya ng iyong hinagap.
Tandaan na ang sobra kung minsan ay masama
Kaya gawin mo lang ang sa tingin mo ay tama!

Kung makasalamuha mo ugaling ganito
Isipin mo na lang ang mga katagang ito:
Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo!
Isipin mo lang na ang buhay ay isang malayang paru paro. 
Ngitian mo lang sapagkat ang mundo ay hindi lang kanya kundi ay sa INYO....


By: Maerz


No comments:

Post a Comment

OFW Po Ako Hindi ATM

ABROAD isang salitang ang sarap pakinggan Feeling entitled kala mo naman sobrang mayaman Pinaganda pa ng katagang OFW Sarap sa tenga prang k...