Powered By Blogger

Saturday, August 24, 2019

Ang Sarap Talagang Maging Bata




Ang sarap maging bata hindi ba?
Hindi ka nagiisip ng anumang problema,
Nandiyang gigising ka sa umaga
Kakain ng agahang nakahanda na sa lamesa.
Tapos biglang sasabihin ni mama magmumug ka muna.

Sadya naman talagang napakasarap maging bata hind ba?
Yung maghapong makikipaglaro sa kapitbhay dyan sa kalsada
Hahagilap pa ng ibang kalaro mas marami di hamak mas  masaya
Patintero, taguan, sikyo, habulan tapos hagarang upo at langit lupa
Hindi magsisimula  hanggang walang  maiba taya.

Nung una nga pala akong tumuntong sa eskwela
Kindergarten ako noon at nakaupo sa dilaw na silya,
Takot na takot pa ako noon kay teacher Eva,
Ayaw ko pa ngang magpaiwan sa classroom noon kay mama
Ngunit ng lumaon ako’y natuto at nasanay na ring mag-isa.

Noong nag-iisa pa lamang akong anak nila mama at papa
Ako ay medyo na spoiled naging attention seeker sa pamilya
Isang iyak ko pa lang takot na takot na agad ang aking ama
Kaya Anumang hilingin ko agad agad ay binibigay niya,
Ngunit  hwag ka, masaya na ako sa tivoli ice cream na pasalubong ng aking ama.

Ang sarap talagang balik-balikan ang aking kabataan,
Wala akong kamuwang muwang payak lamang ang aking kaalaman.
Masaya na akong ipinapasyal noon sa Harisson Plaza
Matapos kong maghintay at sumama sa PGH kay papa 
Pagkatapos nyang magtrabaho hihirit pa ako, either sa Manila Zoo o di kaya ay sa Luneta.

Nang ako nga pala ay nasa unang baitang ng elementarya
Maalalang Section ko pa noon ay nasa Grade 1 Narra
Si Mam Mediran nga pala ang aking naging maestra 
Hirap na hirap pa ako sa pagmemorize ng abakada,
Ngunit sa aking pagsisikap ako naman ay nkatanggap ng ikapitong medalya.

O kay sarap naman talagang pumasok sa eskwelahan
Noong akoy grade 2 kay Mrs Cruz ako’y pinagkatiwalaan
Isinalang sa kompetisyon spelling bee ako ay nakipagtagisan
Unang pagkabigo at pagkatalo dito ko  naranasan
Ako’y labis na nasaktan kaya ito’y aking lubos na iniyakan.

Sya nga pala noong Grade 3 ako kay Mrs Dela Paz
Ang bait bait nya ngunit isang tingin palang ayaw mo ng lumabas
Uso nga pala noon yung holen na ilulusot sa butas.
Gagawa pa ng tiket kunwari mo ay may show o palabas
Mapapanuod mo classmate kong si shaboom sayaw ni Marimar ang ipinapamalas. 

Sampung taon ako ng unti unti na talagang lumalabas ang aking pagkabibo.
Panlaban sa history quiz bee ng titser kong si Mam Ignacio
Pati drum and lyre band ako’y aktibong aktibo
Kung buhay pa sana ang lolo hilig daw nya ang banda sabe ng nanay ko
At sa tuwing sasapit buwan ng Marso, lageng first honor aking natatamo.

Pagsapit ng Grade 5 sa aking gurong si Mrs Tabanan
Mga aktibong estudyante mas umiigting ang labanan
Larong table tennis dito ko simulang natutunan
Pati ang pagbuburda at cross stitch kay Mam Padua ay nalaman
Kaya masasabe kong ang swerte ko naman talaga sa kalaaman.

Grade 6 na ako, at nalalapit na ang aking pagtatapos
Kabataan ko’y hinubog sa N.E.S  ng lubos
Adviser kong si Mam Mojica aralin sa Ingles itinurong walang paltos
Si Mam Cadua naman sa History pagtuturo’y ipinamalas ng lubos
Gayundin si Mam Baustista na hinubog aming kaalaman sa Syensya at kami ay nakaraos

Academics, non academics, extra curriculars at kung anu anu pang laban na aking sinalihan
Nagsilbing sapalaran sa aking musmos na kabataan
Hinding hindi ko malilimutan masasayang araw na nagdaan
Lalu na ng magtapos ako bilang isang valedictorian
Labis ang pagmamalaki ng aking magulang at bakas na bakas ang kanilang walang humpay na kasiyahan.

O kay sarap sanang bumalik sa pagkabata,
Yung tipong sa pangarap ako’y namamasasa
Ngunit ito ay isa na lamang masayang memorya
Dahil Ako ngayo’y nagpapatuloy sa hamon ng buhay
Pundasyon ng kabataan dala ko sa pangarap at tagumpay.

By: Maerz































No comments:

Post a Comment

OFW Po Ako Hindi ATM

ABROAD isang salitang ang sarap pakinggan Feeling entitled kala mo naman sobrang mayaman Pinaganda pa ng katagang OFW Sarap sa tenga prang k...