Ang hilig hilig lang umepal at manggulo
Kapag di umubra hahanap nga tagasalo
Ngunit pag iyong nabara hinding hindi magpapatalo.!
Selfish kung ituring ang taong walang respeto,
Pansarili lamang at walang pakiialam sayo
Mabait at tahimik kung nasa harapan mo
Ngunit pagtalikod masahol pa at ngiting aso.
Pansin nyang lahat ng pagkakamali mo,
Kaliit liitang bagay uungkatin pa nito
Masters of baliktarin magaling magbaluktot ng kwento
Kaya hinay hinay sa tiwala dahil kawawa ang labas mo.
Kung wala kang respeto sa ibang tao
Ang dapat sayo laging nagsosolo
Maliit na bagay ginagawa mong magarbo
Masyado kang pavictim pwede ka na pang teatro!
Alam mo ba ang salitang RESPETO?
Hindi yan basta nababasa lang sa anumang libro!
Inuugali yan ngunit puno ng prinsipyo
Hindi basta na lang napupulot dyan sa kanto!
Ang sabe pa nga inaani daw ang respeto
Kung wala kang itinanim anu pang aanihin mo?
Tigil tigilan mo ang sobrang pagkasensitibo
Walang maitutulong yan problema pa ng buong mundo.
Give and take hindi ba naituro sayo?
Patience is a virtue di ba nbanggit ng guro mo?
O baka naman absent ka kaya di ka natuto
Ayan tuloy lumaki kang walang RESPETO sa Tao!
By: Maerz
08-20-2019
No comments:
Post a Comment