Powered By Blogger

Monday, September 16, 2019

“Sa Likod ng MASKARA”


Mapagpanggap- ito ang tamang kataga
Sa kabila ng ugaling iyong pinapakita
Kabaliktaran pala parang bidang kontrabida.
Sa ganda ng iyong ngiti
Sa likod pala ay mayrong nagkukubli
Isang mala halimaw na paguugali.
Labis ang aking panghihinayang
Sapagkat sa ganda ng pansinan
Yun pala ay parang isdang inaasinan
Isang malansang pakikisama 
Ang sa iyo’y nararamdaman.
Kasing alat ng asin doon sa may irasan.
Ako ay hindi minsan mapalagay,
Sa pag irap irap mong taglay
Hindi ko mawari kong ano ba talaga ang iyong kulay
Pakikitungo mo ay may lihim palang sinasalaysay,
Ang kabaitan mo pala ay pansamantala
Tuwing ikaw ay may kinakailangan lang pala
Matapos ang lahat ng gandang pakikisama
Ilang minuto o oras lang iirapan ka na.
Hay naku ang hirap talagang basahin ng tao,
Kunsabagay hindi ka nga naman isang libro.
Mabuti pa ang libro kapag binasa mo
Alam mo na agad ang buod ng kwento
Samantalang ikaw kahit basahing paulit ulit
Talaga namang aayawan ko ng pilit,
Ang iyong ugaling walang katulad
Nakakahiya naman talagang iladlad.
Ngunit isang malaking pasasalamat,
Dahil sa likod ng iyong MASKARA ako ay namulat!

By: Maerz








Sunday, September 15, 2019

“My Little Man”


I was so depress feels like pricked by a roses torn
And suddenly you came, and that time you were born,
An overwhelming happiness i felt inside the room
Even though a crushing tummy pain I felt inside my womb.

I am sorry during those days that I almost surrender
But thanks to God who always stands as my defender.
I’m getting nervous each day but feels happy to meet you
I really tried my best to keep and protect you.

I am so grateful that day of November one,
As i heard your loud cry oh my little one
I saw a cymbals whose brand name is Yamaha Zildjan,
Meanwhile, my tongue just pronounce your name as Ziljhian.

Please forgive mommy as she works far away,
But in her heart and mind you always stay.
Though It’s full of regret that she’s not there as you grow, 
But thas is Your mom’s huge sacrifice for you to know.

Time flies so fast and now your becoming my little man,
As long as I am strong I’m here to do all I can
Although mommy is not beside you as of now,
She will saves a lot and our next journey will be better than now.

I love you son for the rest of my life
I miss you too each day and every night
You are the reason that’s why I survive
Just forgive mommy and promise you soon I will arrive...


By: Maerz
















Thursday, September 12, 2019

“TAGUAN” laro ng kaplastikan


Tagu taguan maliwanag ang buwan
Ang sarap maglaro sa dilim diliman..
Mga litanya noong kabataan 
Habang sa kalsada ay naghahanapan.
Hindi ko akalaing sa pagtanda mo
Bitbit mo pa din ang katagang ito
Yun nga lang hindi na bilang isang laro
Kundi sa kaduwagang taglay mo!
Uso na ngayon ang social media
Bakit naman dito nilalaro mo pa?
Nilamon na tayo ng siyensya!
Lahat ng bagay ay madali na
Pati ba naman ugali mo itatago mo pa?
Ilabas mo yan mahirap na.
Masama ang magkimkim ng galit sa kapwa,
Pero mas masama yung ugaling plastik pala.
Ang dame nga daw namamatay sa sakit sa puso
Kasi mga hinanakit pilit daw tinatago!
Ay oo nga pala nauso din ang limited edition,
Marahil alam ng iba kaya ikaw ay may bendisyon.
Pero tanung ko lang, gusto mo ba ng atensyon?
Bakit ka nakikisawsaw at gumagawa ng komosyon.
At isa pa matuto kang gumalang sa nakakatanda
Alam kong mukha mo lang ang mas matanda.
Ang taguan nilaro ko lang nung bata
Pero hindi ko nagustuhan dahil mas gusto ko ang hagaran.
Matanda ka na huwag ka ng makipagtaguan,
Dahil napaghahalatang laro yan ng kaplastikan
Mabuti pa ang hagaran nilalaro ng harapan
Gumagawa ng paraan hanggang magkahulihan.
Ang tapang mo sa harap ng mga tao 
Pero alalahanin mo hindi mo hawak ang buong mundo!
Napadikit ka lang ng kaunti dyan sa may trono
Feeling mo na pagmamay ari mo ito.
Tandaan mo ang trono ay di sayo
Ilagay mo ang sarili mo kapantay ng kapwa mo.
Lalu na kung hindi ka naman inaano 
Hiding you bravery and seeking sympathy 
Ito ba ang klaseng taguan na alam mo?
Tagu taguan sa liwanag ng netizens
Wala naman ata itong kasense sense
Boom, save ikaw na ang taya!
Ang babaw naman kasi langya!

By: Maerz









“IMMATURE” feels


Iba’t ibang uri ng drama na ang napapanuod natin sa pelikula
Sa sobrang dame minsan ata nagaya na ng iba.
Sa sobrang pagdadrama nakabuo na yata ng sariling telenovela
Kaya naman pala, galit siya sayo kaya nagpapavictim ng bongga.

Mahirap ang magsorry lalu na kapag alam mong tama ka,
Ngunit tao nga naman, masyadong sensitibo!
Nagpapataasan ng kanya kanyang ego.
Lingid sa kanilang kaalaman, immaturity na pala.

Immature yung taong di nagpapatalo sa argumento,
Makasarili at hindi pantay pantay ang tingin sa mga tao.
Ang kanilang gusto lage silang nauuna,
Wala silang pakialam sa mararamdaman ng iba.

Kapag nagdesisyon ang taong ito
Wala ng balanse ang buong mundo!
Makasarili, walang pakialam sa problema mo
Ang lageng isasagot nya bahala kayo sa buhay nyo!

Kawawa kayo kapag lider ninyo ay ganito
Sapagkat walang pakialam sa kapwa tao
Utak talangka, bias pa magplano!
Dahil ang tangi nyang gusto sarili muna bago  kayo!

Ang tanda mo na pero nagiisip bata ka pa
At kayang kaya mong bilugin ulo ng iba.
Makakuha ka lang ng simpatya, magpapaawa ka
Feeling bida pero ang totoo isa ka naman talagang kontrabida!

Ang saklap pa kapag sila ay nagsamasama
Ang laro nila kampihan walang iwanan
Ganito sila maging kaibigan
Kaya kahit mali ka na ikaw pa din ay gagatungan.

Ano pang silbi ng isang kaibigan
Kung sa likod naman ikaw ay sisiraan!
Magisip isip ka na kung ito ay iyong sasamahan
Para sa bandang huli ay hindi mo ito pagsisihan!

Ang hirap pakisamahan ng taong ganito,
Lahat ng mali nya ibubunton sayo!
Mahilig mambintang ng kahit na sino.
Pero kapag papuri naman ay aakuin niya ng todo.

Walang disposisyon ang immature na tao,
Lahat ng desisyon nakadepende sa iyo
Parang linta na didikit kahit kanino
Umiiwas sa mga desisyon at kanyang trabaho!

Playing safe kung sila ay makipaglaro,
Hindi papayag na sila ay matatalo,
Kaya huwag kang hihingi ng tulong sa ganitong tao
Mapapahamak ka lang at buhay mo ay magugulo.

Wala silang pakilam sa kahit na sino
Sapagkat makasarili silang masyado!
Kulang sa pansin kaya labis magpapansin
Para atensyon mo ay kanyang angkinin.

Immature! feels like your young
Pero eeew sa edad mo isa ka ng gurang
Pwede mo pang baguhin ang anyo mong pisikal
Ngunit wala na kaming magagawa sa temang psychological!


By: Maerz










Tuesday, September 10, 2019

“Doble Kara” Ganito Ka Ba?



Kung uso ang fake news ngayon
Isama mo na din ang mga taong peke
Oo! Peke sila yung tipong walang kime
Pangiti ngiti ngunit may ugali palang nakakubli
Masyadong mapanlinlang ang kanilang pustura,
Aakalain mong mababait sila,
Kasi sa harap mo maganda ang pinapakita
Pagtalikod pala tatamaan ka na ng bala.
Dalawang katauhan ang taglay nila, 
Doble kara ang tamang bansag sa kanila!
Kapag sila naging katrabaho mo
Tiyak ikaw ay mapeperwisyo!
Dahil ang tangi nilang gusto 
Ay mapunta lage doon sa trono.
Kapangyarihan ang dahilan ng kanilang trabaho!
Kala mo mga power rangers malasuperhero kung umakto.
Ang hirap kasama ng ganitong tao,
Ang lakas ng loob magsumbong at magmando
Wala ng logic mag isip at utak ayaw ilagay sa ulo!
Kasi ang tangi nilang gusto
Maimbyerna ang buhay mo!
Iritable sila kapag umuunlad ka
Naiinis sila kapag nakikita kang masaya,
Ayaw nila na magtatagumpay ka,
Dahil gahaman sila sa impluwensya.
Minsan pa makikita mo silang walang imik
Yun pala isa na iyon sa kanilang teknik,
Mananahimik yun pala may galawang malupit.
Nakakaawa ang mga taong ganito,
Iisipin mo na lang baka pinagkaitan ng mundo.
Hay naku, bakit may ganitong klase nga ba ng tao,
Doble Kara, kamangha mangha namang talaga.
Eto pa ang isa akala mo may suot na maskara
Eh kasi naman sa likod ng magandang pinapakita
Ay naku po hipon pala,
Ang sarap himayin at itapon ng ulo
Panget na mukha inuugali pa
Hindi ka na ba nahiya?
Ayaw mo bang kahit sa ugali sabihan kang maganda?
Kaya ayan tuloy ang kapal ng iyong maskara!
Ang dame dame dyan super friendly
Talaga namang kawili wili
Kilala ng lahat kasi super epal
Kaya naman pala kasi mukha ay makapal
Walang hiya hiya basta siya ang apple of the eye ng madla
Kahit sa nundo ng social media umaarangkada
Hindi patatalo hindi pahuhuli kasi epal nga!
Nasubukan mo na ba mangibang bansa?
Ay naku po matatakot ka sa culture shock?
Hindi yan ang dapat mong katakutan,
Kasi may mas nkakatakot pa dyan
Hindi multo hindi nuno kundi ano?
Kundi kapwa mo, oo kalahi mo,
Kung trabaho ang pinunta mo para umasenso
Pwes huwag kang pakasisiguro,
Dahil mangilan ngilan dyan sa tabi mo
Ay hindi magiging masaya para sayo,
Pilit kang hihilahin pababa
Hanggang sa ikaw ay magmamakaawa
Sapagkat sila ang bida at ikaw ay extra
Sa kanila ang korona at ikaw ang dakilang muchacha.
Kahit magaling ka hindi yan mapupuna
Sapagkat pagtatakapan nila, hanggang sila lang ang makita
Oo magaling ka, pero mas magaling sila
Lalu na sa pagkuha ng credits na pinaghirapan ng iba.
Diba ang hirap naman talaga makisama.
Ngunit andito ka na kung plastik sila
Dapat tupperware ka
Kasi kung hindi kawawa ka sa mga DOBLE KARA!

By: Maerz











Monday, September 9, 2019

“PABIDA”

Ikaw ba ay PABIDA?
Parang sa pelikula hindi nawawalan ng bida at kontrabida
Kumbaga ganito na ang plot nila
Pero sa tunay na buhay may plot din ba?
Bakit masyado ng marami ang mga pabida? 
Oo ikaw ang bida sa kwento ng buhay mo,
Pero hindi mo kailangang maging ganito
Iba ang bida at iba naman ang pabida
OA ka na masyado ha!
Kung itulak kita sa dagat sigurado lulutang ka,
Bakit kamo?
Kasi hindi mo na kailangan ng salbabida,
Lumulutang ka na dahil bida bidahan ka!
Ugali mong ubod ng maldita,
Daig mo pa ang mag inang si Daniella at Marga,
Pero iba ka, kasi palihim ka naman kung tumira,
Bait baitan kapag kaharap ka
Kapag talikod pala tinitira ka na ng bala.
Ang sakit diba?
Kahit saan ka yata magpunta nagkalat na sila,
Iba’t ibang uri, iba’t ibang klase 
At iba’t iba ang banat nila,
Andyan sumipsip ng sobra para gusto ay makuha,
Ang iba naman ang hilig magbanggit ng polisiya
Pero di naman magawa sa sarili nila.
Ang saklap diba?
Ang sabe nga sa bibliya 
Huwag mong gawen sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
Pero ano ito? Dahil sa kasakiman ng tao,
Akala nila may power na sila parang si Darna 
Feeling immortal ka masyado
Yung tipo kahit dulo ng daliri mo 
Kala mo hindi magagalaw ng kahit na sino?
Ano ka hilo?
Baka nalilimutan mo tao ka!
Pinanganak kang makasalanan 
Pero mukang hindi ka yata tinablan 
Ng ikaw ay binyagan o binawtismohan.
Bakit ka nagkaganyan?
Ang gusto mo lageng gulo?
Hindi ba pwedeng ipatupad mo
Ang Kapwa mo mahal mo?
Masyado kang kakaiba,
Sarili mo lang ang iyong nakikita
In short selfish ka!
Ang motto mo
Kapwa mo Laglag mo!
O di naman kaya baka ganito
Pabida ako safe ako Bahala kayo!
Kawawang mga tao ang mkakatagpo ng 
TULAD MO!

by: maerz


Wednesday, September 4, 2019

“ABROAD”


Abroad.
Katagang ang sarap pakinggan,
Sa mga taong tila mga baguhan.
Ang hirap ay hindi mo malalaman
Lalu na kung hindi mo pa nasusubukan.

Abroad.
Madinig pa lang ng iba
Parang sikat na sikat ka na.
Ang buong akala nila
Namamasasa ka na sa pera.

Abroad.
Yung tipong may sahod kang malaki,
Pero yung resibo ang mas marami kang naitabi.
Kahit pa panay ang compute mo gabi gabi,
Importante remittance sa Pinas ay hindi mahuhuli.

Abroad.
Baka ito ang sagot sa problema mo
Lalu na kung sa Pinas wala kang trabaho.
Makikipagsapalaran ka sa malayo,
At iiwan ang pamilya bilang sakripisyo..



Abroad.
Ang sarap sarap sa umpisa,
Sa eroplano ay una kang nakasampa.
Akala mo ang dali kitain ng pera,
Ngunit habang tumatagal halos sumuko ka na.

Abroad.
Pinagmamalaki ka ng iyong pamilya,
Pag uwe mo tinitingala ka ng buong madla,
Kahit hindi mo kamag anak ikaw ay kilala
Lalu na kung may pasalubong kang dala-dala.

Abroad.
Lungkot at lumbay ang kapalit,
Kitain mo lamang ang pera ng hapit.
Piniling iwan ang iyong munting paslit,
Nang marangyang pamumuhay ay kanyang makamit.

Abroad.
Ilang masayang okasyon na ang nagdaan,
Halos lahat ng yun ay iyo ng nalagpasan.
Kahit gustung gusto mo itong uwean,
Masakit man isipin ngunit pahirapan.



Abroad.
Buwanang pera sa Pinas ang padala,
Ngunit madalas kinukulang pa sila.
Walang sumasapat kahit sobra sobra na,
Bawal kang dumaing, dahil nasa abroad ka!

Abroad.
Panay ang post mo sa social media,
Maibsan lang ang lungkot at pangungulila.
Maipakita lang sa pamilya na masaya at okay ka
Pero sa kabila ng mga litrato ay hirap at pagtitiis pala. 

Abroad.
Mabuti na lamang nauso ang internet,
Iphone, ipad at kung anu anu pang hightech na gadget.
Isang click mo lang parang katabi mo na sila
Ngunit pambili nito ay di rin naman basta basta.

Abroad.
Lahat ng branded ay alam mo na,
Kung saan may sale ay naroroon ka.
Ngunit kapag namimili nasa isip ay size ng iba,
Sa kagustuhan mong bagahe ay mapuno at maipadala.



Abroad.
Bayani tayo kung ituring nila,
Sa bawat perang padala umuunlad ang ating ekonomiya.
Ngunit minsan hirap natin ay nababalewala
Ninanakaw pa pinaghirapan nating padala o di naman kaya ay tataniman ka pa ng bala.

Abroad.
Ginugul mo na halos ang iyong buong buhay,
Ngunit hindi pa din sapat para maibsan ang lumbay.
Pati ipon mong pera ay parang walang saysay.
Naglalaho na lang at nawawalan ng kulay.

Abroad.
Culture shock yan ang una nating kalaban,
Homesickness isa pa ito sa hindi natin maiiwasan.
Idagdag mo pa ang diskriminasyon kung saan saan.
Tapos pati kapwa mo Pinoy minsan naglalaglagan.

Abroad.
Ramdam mo din naman talaga ang saya
Kapag nabibigay mo ang pangangailangan nila.
Kaunting luho ng anak at magandang buhay ng pamilya
Hindi bale hirap ka, basta makita mo lang silang masaya.


Abroad.
Ito ay hindi biro lalu na sa isang ina,
Ang iwan ang kanyang anak habang bata pa.
Tapos pagbalik ay parang estranghero ka,
Bubuhatin mo pero nagaalangan siyang sumama.

Abroad
Para sa magasawa ay isang pangako
Hinaharap at kinabukasan ay nakaplano,
Ngunit may iba na ang pangako ay napapako
At nabaling sa iba ang atensyon ng kanilang puso.

Kaya kung pagaabroad ang nais mo,
Siguraduhing ito ay ayon sa iyong kagustuhan at plano.
Lageng sa pamilya ang isipan mo ay ipako
Tagumpay at kaunlaran ay iyong matatamo.


By: Maers
















OFW Po Ako Hindi ATM

ABROAD isang salitang ang sarap pakinggan Feeling entitled kala mo naman sobrang mayaman Pinaganda pa ng katagang OFW Sarap sa tenga prang k...