Powered By Blogger

Friday, August 30, 2019

“Mama”


Kung tawagin natin sila’y ilaw ng tahanan
Corny man sa pandinig ngunit sila ang ating inaasahan
Sisiguraduhin nyang maibigay ang iyong kailangan
Kahit anung hirap ay wala silang kapaguran.

Lahat na yata ng bagay ay alam niya,
Tinatawag ding manager ng buong pamilya.
Alam nyang lahat ng iyong problema
Mapa pera man yan o problemang eskwela.

Lumaki ako sa inang super strikto,
Lumabas kang saglit agad tawag doon tawag dito
Bata pa lang natuto na akong maghugas ng plato.
Isang pagkakamali lang, kurot ang aking natatamo.

Ngunit siya na yata ang pinakamasarap magluto.
Bistik alemania, adobo kahit pa embutido.
Buong pamilya talaga namang lageng ganado,
Kapag pagkaing luto ni mama ang nakahain sa plato.

Bawal ang day off, walang overtime ang kanilang trabaho,
Ngunit sa araw araw di naman nagrereklamo
Masaya na silang maibigay lahat ng naisin mo
Basta mapagtapos ka lamang sa kolehiyo.

Pagkain na sana kanila na lamang isusubo
Para sa iyo Iisipin pa din nilang ito ay itago
Kahit na anumang laki ang kasalanan mo
Para sa kanila ika’y may pag asa pa ding magbago.

Kaya ikaw anak mahalin mo ako
Dahil kawawa ka kapag nagkasakit ako
Sino na ang sayo’y magaasikaso?
Masakit sa akin baka ikaw ay mapano.

Pahalagahan mong lahat ang aking sakripisyo,
Huwag mong sayangin dahil yan ay dugo at pawis ko.
Masaya na akong makita ang pag angat mo
Dahil ng isilang ka sa mundo, yan din ang pangarap ko.

Patawad mama kung naging palasagot ako
Hindi ko po sinasadya nadala lang ng galit ko.
Naranasan ko na ngayon ang maging ina ay di biro
Naintindihan ko na ang noo’y pangaral mo.

Hindi ko alam kung paano mo kinaya
Yung tuition ko pa lamang noon sa eskwela
Halos wala na tayong makain sa mesa
Ngunit hindi ka pa din nawalan ng pag asa.

Nagagalit ka man samin naiintindihan ko
Dahil ang gusto mo lang ay maging mabuti kaming tao.
Sinusunod ko naman lahat ng payo mo
Akala mo lang matigas ang ulo ko.

Ngayon kami ay malalaki na,
Ang tanging hangad lang namin ay mapabuti ka.
Ngunit pasensya na minsan aking mahal na ina
Pinipilit ko na naman sa abot ng aking makakaya.

Unti unti kong susuklian ang pagaaruga,
Lahat ng pasakit at iyong pagtitiyaga.
Salamat sa walang sawang pagaalaga
At sa iyong walang humpay na pang unawa.

Ngayon ako ay may asawa na
At tulad mo na ring isang ina
Hindi talaga biro, ang hirap pala talaga
Pero salamat dahil IKAW ang aking naging MAMA.

By: Maerz












Monday, August 26, 2019

“PRIDE vs EGO” swallow or choke?


May dalawang salita na masyadong trending
Positibo sana ngunit minsan negatibo ang ending
Ang ganda sana pakinggan kung naiintindihan,
Ngunit ang tanong bakit ganun ang kinalalabasan?

 “PRIDE” Oo  sabon din yan pero minsan ikaw!
Emosyon lang yan, intindihin mo kasi para malinaw.
Yan ang dahilan kaya kilos mo ay lageng ganado,
Kapag meron ka nito tiyak tagumpay mo ay sigurado.

If your Pride is right ang feeling mo ang saya saya
Bakit kamo? Dahil tagumpay ka at may kompyansa
Ngunit minsan asahan mo din ang mabigo ka
Dahil tayo ay tao lamang kailangan ding magpakumbaba.

Makasarili ka ba? Bka naman pinairal mo lang ang iyong EGO
Kala mo naman the best ka na at lageng go na go.
Di marunong magsorry at GGSS masyado
Di mu alam ugali mo na pala ay super negatibo.

Ang EGO in short ay parang inggit
Daig mo pa ang umaalingasaw na anghit.
Walang sino sino o kinikilalang iba
Dahil sarili mo lang ang iyong lageng nakikita.

Kung ayaw mong forever magisa
Ang Pride lunukin mo na
Ngunit hwag kang pakasisiguro
Baka mabilaukan ka naman ng iyong ego.

Tandaan mo Ego is not your amigo 
sadyang sila ay nakakalito
Ang pinairal mong PRIDE nakakataba ng puso
Samantalang sa EGO lumake na ang iyong ulo
Sa Pride may basehan at ang Ego mo ang lageng may kasalanan...

By: Maerz 


Saturday, August 24, 2019

Ang Sarap Talagang Maging Bata




Ang sarap maging bata hindi ba?
Hindi ka nagiisip ng anumang problema,
Nandiyang gigising ka sa umaga
Kakain ng agahang nakahanda na sa lamesa.
Tapos biglang sasabihin ni mama magmumug ka muna.

Sadya naman talagang napakasarap maging bata hind ba?
Yung maghapong makikipaglaro sa kapitbhay dyan sa kalsada
Hahagilap pa ng ibang kalaro mas marami di hamak mas  masaya
Patintero, taguan, sikyo, habulan tapos hagarang upo at langit lupa
Hindi magsisimula  hanggang walang  maiba taya.

Nung una nga pala akong tumuntong sa eskwela
Kindergarten ako noon at nakaupo sa dilaw na silya,
Takot na takot pa ako noon kay teacher Eva,
Ayaw ko pa ngang magpaiwan sa classroom noon kay mama
Ngunit ng lumaon ako’y natuto at nasanay na ring mag-isa.

Noong nag-iisa pa lamang akong anak nila mama at papa
Ako ay medyo na spoiled naging attention seeker sa pamilya
Isang iyak ko pa lang takot na takot na agad ang aking ama
Kaya Anumang hilingin ko agad agad ay binibigay niya,
Ngunit  hwag ka, masaya na ako sa tivoli ice cream na pasalubong ng aking ama.

Ang sarap talagang balik-balikan ang aking kabataan,
Wala akong kamuwang muwang payak lamang ang aking kaalaman.
Masaya na akong ipinapasyal noon sa Harisson Plaza
Matapos kong maghintay at sumama sa PGH kay papa 
Pagkatapos nyang magtrabaho hihirit pa ako, either sa Manila Zoo o di kaya ay sa Luneta.

Nang ako nga pala ay nasa unang baitang ng elementarya
Maalalang Section ko pa noon ay nasa Grade 1 Narra
Si Mam Mediran nga pala ang aking naging maestra 
Hirap na hirap pa ako sa pagmemorize ng abakada,
Ngunit sa aking pagsisikap ako naman ay nkatanggap ng ikapitong medalya.

O kay sarap naman talagang pumasok sa eskwelahan
Noong akoy grade 2 kay Mrs Cruz ako’y pinagkatiwalaan
Isinalang sa kompetisyon spelling bee ako ay nakipagtagisan
Unang pagkabigo at pagkatalo dito ko  naranasan
Ako’y labis na nasaktan kaya ito’y aking lubos na iniyakan.

Sya nga pala noong Grade 3 ako kay Mrs Dela Paz
Ang bait bait nya ngunit isang tingin palang ayaw mo ng lumabas
Uso nga pala noon yung holen na ilulusot sa butas.
Gagawa pa ng tiket kunwari mo ay may show o palabas
Mapapanuod mo classmate kong si shaboom sayaw ni Marimar ang ipinapamalas. 

Sampung taon ako ng unti unti na talagang lumalabas ang aking pagkabibo.
Panlaban sa history quiz bee ng titser kong si Mam Ignacio
Pati drum and lyre band ako’y aktibong aktibo
Kung buhay pa sana ang lolo hilig daw nya ang banda sabe ng nanay ko
At sa tuwing sasapit buwan ng Marso, lageng first honor aking natatamo.

Pagsapit ng Grade 5 sa aking gurong si Mrs Tabanan
Mga aktibong estudyante mas umiigting ang labanan
Larong table tennis dito ko simulang natutunan
Pati ang pagbuburda at cross stitch kay Mam Padua ay nalaman
Kaya masasabe kong ang swerte ko naman talaga sa kalaaman.

Grade 6 na ako, at nalalapit na ang aking pagtatapos
Kabataan ko’y hinubog sa N.E.S  ng lubos
Adviser kong si Mam Mojica aralin sa Ingles itinurong walang paltos
Si Mam Cadua naman sa History pagtuturo’y ipinamalas ng lubos
Gayundin si Mam Baustista na hinubog aming kaalaman sa Syensya at kami ay nakaraos

Academics, non academics, extra curriculars at kung anu anu pang laban na aking sinalihan
Nagsilbing sapalaran sa aking musmos na kabataan
Hinding hindi ko malilimutan masasayang araw na nagdaan
Lalu na ng magtapos ako bilang isang valedictorian
Labis ang pagmamalaki ng aking magulang at bakas na bakas ang kanilang walang humpay na kasiyahan.

O kay sarap sanang bumalik sa pagkabata,
Yung tipong sa pangarap ako’y namamasasa
Ngunit ito ay isa na lamang masayang memorya
Dahil Ako ngayo’y nagpapatuloy sa hamon ng buhay
Pundasyon ng kabataan dala ko sa pangarap at tagumpay.

By: Maerz































“CRAB MENTALITY” inside the Bucket



Ang alimango ilagay mo sa timba
Pilit maguunahan aakyat pataas,
Ngunit kapwa nya hahatakin pababa
Sa kagustuhang sya’y unang makalabas.

Ang ibang tao minsan ay parang ganito
Kinaiinisan nila ang pag angat mo
Ayaw nila na pagasenso mo ay mauna,
Kaya pag unlad mo pipigilan niya

Katwiran nila kung wala ako, dapat wala ka din
Sa Walang kadahilanan pilit kang aawayin
Wari mo buntis na parang naglilihi
Masyado silang prone to sensitivity.

UTAK TALANGKA! yan ang tawag sa kanila
Kapag umasenso ka hindi sila masaya.
Selos ang sa kanila ay nangingibabaw
Sa paninira ng kapwa ay naguumapaw.

Kung pakiramdam mo ay ganito ka
Aba ngayon pa lang pigilan mo na.
Magpakatotoo ka lang at maging positibo
Tanggapin mo lang hanggang saan ang kaya mo.

Libre naman ang tayo’y mangarap
Sa paraan lang na kaya ng iyong hinagap.
Tandaan na ang sobra kung minsan ay masama
Kaya gawin mo lang ang sa tingin mo ay tama!

Kung makasalamuha mo ugaling ganito
Isipin mo na lang ang mga katagang ito:
Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo!
Isipin mo lang na ang buhay ay isang malayang paru paro. 
Ngitian mo lang sapagkat ang mundo ay hindi lang kanya kundi ay sa INYO....


By: Maerz


Thursday, August 22, 2019

“KALMA” Beneath My Wings

Ang dame ng problema sa mundo,
Minsan di mo na din maisip kung paano
Merong simple, mahirap at ang iba nama’y komplikado
Pero sa pagiisip ng solusyon dapat ay lagi kang KALMADO..

Ang hirap nung tipong di mo maipaliwanag
Pero ramdam mo ang sakit at di ka panatag,
Hindi mu alam ang hakbang na gagawin 
Tapos yung tipong balisa ka pa sa isipin.

KALMA! Yan ang salitang kay sarap pakinggan
Lalu na kapag galing sa mga tunay na kaibigan,
Meron mang problema nakukuha pa din magtawanan,
Simple man yan o mahirap basta alam mo kung paano ka lalaban.

Okay lang yung magkaroon minsan ng tamang angas
Pero hwag namn yung yabang na lalabas kang parang ahas
Maging Totoo lang sa sarili mas nakaka impress
Kalma lang, be confident huwag trying hard para di depress.

KALMA parang hangin beneath my wings
Nakakagaan ng loob kay sarap sa feelings.
Di laging galit ang solusyon sa problema,
Kaya huwag kang kikilos ng ura urada.

Tandaan lage ang salitang KALMA!

By: Maerz 😊






“PLASTIK” in the Trash

Mahirap bang intindihin? 
Bawal na ang PLASTIK!
Kung saan saan mo pa sinisiksik,
Gamitin mo kasi huwag mong ugaliin,

Ang PLASTIK minsan basura minsan IKAW
Oo IKAW! 
Atensyon namin masyado mung pinupukaw
Parang sa showtime kundi kumakanta ay sumasayaw.

Sa Pilipinas nga paggamit ng plastik ay pinagbawalan
Salot sa lipunan bumabara kung saan saan
Kaya ginawa nilang alternatibo papel na lagayan
Ngunit ng dahil sa kaepalan lalung napuno ng kaplastikan.

So sa tingin mu being PLASTIK makes you perfect?
Well no! mali ka coz your full of defects,
Parang malaking virus na nakaka affect
Sa maraming people in all aspects!

Hindi mo ikayayaman ang kaplastikan,
Dahil dyan mawawalan ka ng mga kaibigan.
Meron mang iilan na ika’y pagkakatiwalaan,
Ngunit iyo ng asahan ito ay pagkakaibigang puno ng PLASTIKAN!

Kaya madlang people piliing mabuti ang pakikisamahan,
Maraming peke at ngpifeeling lang na kaibigan.
Akala mo totoo pero ginagawa ka lang sawsawan.
Dahil ang tunay na kaibigan di ka sisiraan bagkus ika’y ipaglalaban.

So to everybody throw all the plastics in the right way
Look for a TRUE friends who will stay
Forget all the things and what others may say
As long as GOD is the center of your day...

By: Maerz 









Wednesday, August 21, 2019

“MALDITA” to the max

May mga taong akala mo kung sino
Tingin sa sarili kasing taas ng Mt. Apo
Minsan feeling ang ganda ganda
Ang hirap naman hanapin kung saan banda?

MALDITA! yan ang tawag sa kanila
Puno ng kaartehan di naman maganda
Yung iba naman panget na mukha panget pa ugali
Masyadong isnabera wala ng pinipili.

Socialite pa yan kung manamit 
Akala mo naman kainggit inggit
Kapag lumakad taas noo na, taas pa kilay
Paguugali naman ay sablay na sablay..

Pero meron namang ibang maldita
Kung umarte mataray lang at prangka
Mahirap lapitan dahil walang kaplastikan
Pero totoo naman kapag iyong naging kaibigan.

Sabe nga ng iba kung ikaw ay magmamaldita
Siguruhing ugali mo katerno din ng iyong itsura
Kasi yung ibang basher masyadong mapanghusga
Lalaitin ka hanggang di mo na makaya.

Ikaw MALDITA! huwag ka namang mapanghusga
Sinisiraan ka na ng iba masyado ka pang pabida
Maging mabait ngunit huwag naman maging plastik
Bawasan din magepal ugaliin ding minsa’y manahimik.

May ibang nagmamaldita akala mo naman kung sino
Masyadong mapanghusga di naman perpekto,
Minsan pa nga ikaw pa ang laging problemado,
Kaya huwag mong gawing libangan ang manlait ng ibang tao!

Hoy MALDITA! ikaw naman ay umayos na
Mundo ay makabuluhan bigyan mo naman ng saya
Huwag sunod lage sa uso kung mukha mo nama’y parang oso!
Be humble, be cool para sa ugali manlang may konti kang panalo.

#malditayourhigness #malditacantbereach #malditahipontaponulo 

By: Maerz 

















OFW Po Ako Hindi ATM

ABROAD isang salitang ang sarap pakinggan Feeling entitled kala mo naman sobrang mayaman Pinaganda pa ng katagang OFW Sarap sa tenga prang k...